SUSAN copy

ILANG beses nang pabalik-balik sa Pilipinas si Rosemarie Sonora, ina ni Sheryl Cruz at kapatid ni Ms. Susan Roces.

Tuwing naririto sa Pilipinas ang dating aktres ay palipat-lipat siya sa bahay ni Sheryl at sa bahay ni Renzo Cruz.

Tuwang-tuwa raw si Rosemarie sa mga apo.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pero sa kung ilang beses nang pagbabakasyon sa Pilipinas, never pang dumalaw o pumasyal o kahit tumawag man lang si Rosemarie kay Susan.

Ayaw magkomento hinggil dito si Sheryl. Kung may tampuhan man daw ang kanyang ina at tiyahin ay mas makakabuti sa kanya ang manahimik na lang.

Umiiwas ring magkomento si Sheryl hinggil sa lumabas na isyung si Susan ang may ayaw na makipagkita kay Rosemarie.

Ayon naman sa nakausap naming malapit sa mga Cruz, malamang na malaki pa rin daw ang tampo ni Susan kay Rosemarie na hindi nito napigilan si Sheryl na magsalita laban kay Sen. Grace Poe nang tumakbo ang huli para pangulo last elections.

Kahit daw kasi nasa Pilipinas nu’ng mga panahong iyon si Rosemarie ay hindi man lamang ito tumulong para klaruhin ang mga ibinatong isyu laban kay Sen. Grace, huh! (Jimi Escala)