ISULAN, Sultan Kudarat – Nasamsaman ng mga bala ng matataas na kalibre ng baril ngunit nakatakas sa pagdakip ang isang konsehal ng Palembang, Sultan Kudarat, kasabay ng pag-aresto sa ilan pang wanted ng batas at sangkot sa pag-iingat ng mga bala at baril sa Sultan Kudarat.

Kinilala ng Sultan Kudarat Police Provincial Office ang nakatakas na si Ebrahim Sabiwang, konsehal ng Palembang at taga-Barangay Libus, na nakumpiskahan ng mga bala para sa matataas na kalibre ng baril, sa raid na alinsunod sa search warrant.

Naaresto naman sa Bgy. Butil si Kaharudin Utto, may kasong murder, at nakumpiskahan ng tatlong bala ng M-203 grenade launcher at isang Trip-Flare handheld radio, habang M-16 hydramatic rifle, mga bala, at 14 na bala ng .40 caliber pistol ang nasamsam kay Mustapha Budin, wanted din sa murder.

Nakakumpiska rin ng iba’t ibang uri ng bala ng matataas na kalibre ng baril sa bahay ng nakatakas ding si Mama Amil, alyas Mama Bandala, gayundin sa bahay ng isang Adog Mindog sa Bgy. Kolong-Kolong sa Palembang, Sultan Kudarat.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

(Leo P. Diaz)