Bagamat may kapangyarihan ang pamahalaan kung nais nitong patawan ng buwis ang mga Catholic school sa bansa, umapela ang mga obispo na pag-aralan muna itong mabuti.

Ayon kay Caloocan Bishop Pablo David, hindi na kinakailangang magpatakbo ng mga paaralan ang simbahan kung nakapagbibigay lamang ng sapat na de-kalidad na edukasyon ang pamahalaan, partikular na sa elementarya at high school.

“The fact is, it cannot,” ani David. “We always thought that we in the Church were doing the government a favor by making quality education available wherever the state is unable to do it adequately.”

Sinabi ng obispo na kitang-kita naman ang mga kakulangan ng mga public school, na maraming estudyante ang nagsisiksikan at kulang ang mga guro at mga gamit, kaya bumababa ang kalidad ng edukasyon.

National

VP Sara, sa umano'y 'search warrant' sa kanilang mga tahanan: 'There will be planted evidence!'

Dahil dito, napipilitan, aniya, ang simbahan na magtayo ng mga eskuwelahan upang tulungan ang pamahalaan na mabigyan ng magandang pundasyon ang edukasyon ng kabataan.

“We merely augment the lack when the government cannot adequately provide it,” aniya pa. “We do not even rely on public funds to run our schools. Should they not treat us as their partners and allies rather than as adversaries?”

(Mary Ann Santiago)