MEXICO CITY (AP) – Ipinaabot ng gobyerno ng Mexico sa U.S. Department of Homeland Security ang mga pangamba nito sa panukalang paghiwalayin ang mga migranteng magulang at kanilang mga anak sa detention facility.

Sinabi ni Foreign Minister Luis Videgaray na maaaring magdulot ito ng “irreversible harm” sa maraming pamilya.

Sinabi ni U.S. Homeland Security Secretary John Kelly noong Lunes na ikinokonsidera ito upang hindi mahikayat ang mga pamilya na isama sa mapanganib na paglalakbay ang kanilang mga anak.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na