SA isang joint statement na ipinadala kay Kuya Boy Abunda nina Gretchen Ho (na regular na napapanood ngayon sa Umagang Kayganda) at Robi Domingo, inamin ng dalawa na nag-break na nga sila.
Ito ang nakasaad sa joint statement exclusively sent to Tonight With Boy Abunda na ipinalabas last week:
“There is too much happening for the both of us right now. We have to focus on our careers. There is no appropriate time yet for a relationship to grow.
“But we’re not closing our doors on each other in the future. There is no third party,” anila.
May usap-usapan sa showbiz na diumano’y ang pagpapaigsi ng buhok ni Gretchen ang dahilan ng kanilang break-up.
Nagsimula raw mag-away ang dalawa nang i-post ni Gretchen ang kanyang photo with shorter hairstyle.
Hindi yata nasabihan si Robi sa pagbabagong-hairstyle ni Gretchen na labis niyang ikinairita.
Bukas ang pahinang ito sa side ng dating magkasintahan. (Ador Saluta)