Kinasuhan ng graft sa Sandiganbayan si dating House Speaker Prospero Nograles kaugnay sa multi-million na pork barrel fund scam noong 2007.

Kasamang kinasuhan ni Nograles ng 3 counts ng paglabag sa Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act), one count ng malversation at 2 counts ng malversation thru public documents, ang kanyang chief of staff na si Jennifer Karen Lagbas at public affairs chief na si Danilo Jamito; limang opisyal ng National Agri-Business Corporation (NABCOR), limang opisyal ng National Livelihood Development Corporation (NLDC); at 13 kinatawan ng Technology Resource Center (TRC).

Sa reklamo ng Office of the Ombudsman, nagsimula ang anomalya sa panahon ni dating Misamis Oriental Rep. Danilo Lagbas. Si Nograles ang naging caretaker ng unang distrito ng lalawigan matapos mamatay si Lagbas noong 2008.

Nadiskubre na inilabas ng Department of Budget and Management (DBM) noong 2007-2009 ang bahagi ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) ni Lagbas na aabot sa P47,500,000 na ginamit sa mga ‘ghost’ project sa NABCOR, TRC, at NLDC. (Rommel P. Tabbad)

Pagdagsa ng mga pasahero sa PITX, inaasahang papalo ng 3 milyon ngayong holiday season!