KRIS copy copy

HINDI talaga masyadong sanay sa outdoor shoots si Kris Aquino dahil habang nagti-taping siya nitong nakaraang Linggo sa Bongabon, Nueva Ecija ay nabagsakan ng bakod na bakal ang kaliwang paa niya.

Ang post ni Kris sa Instagram, “Na-cut short ang taping ng #TripNiKris. You know me, favorite ako ng weird accidents.

While touring the organic lettuce farm in Bongabon, Nueva Ecija, and while feeding the free-range chickens, nahulugan ang left foot ko nu’ng metal fence in the cover picture. Siyempre camera was rolling so tiniis ko. Pero OMG, ang bigat & my left foot absorbed the full weight. Thank you Dr. Niño Buenaventura from the ER of Immaculate Conception Medical Center for taking care of me. Thank you to my producer Tita Dory Morales for being compassionate & letting me go home so that I can rest my foot for the next 2 days for the swelling & bruising to subside.”

Human-Interest

ALAMIN: Anong dapat gawin ng mga babaeng hirap magpapayat dahil sa PCOS?

May video post din si Kris at ikinuwento niya kung gaano kakapal ang metal na bumagsak sa paa niya, at dahil dito ay hindi na naituloy ang kukunan pa sana niyang mga kalabaw at tilapia sa farm.

Samantala, habang nasa out of town location si Kris ay pinadalhan siya ng mga litrato na dinalaw si Bimby ng kanyang dating yaya na si Gerbel kasama ang anak nitong tabachingching.

Sabi ni Kris sa kanyang post, “A year & a half ago, @gemaligane got married and started her family. Today, she and baby Kylie came over to visit her original alaga -- seeing the pictures they sent me, my heart overflows with gratitude because I managed to raise a really loving, polite, caring, appreciative, and generous bunso. And a lot of what Bimb is today was because Yaya Gerbel helped me nurture him with consistent love.”

Nakakatuwa ang bunso ni Kris sa sa mga litratong ipinadala, kuha nang dumalaw si Yaya Gerbel, kuyang-kuya as in, dahil marunong na pala siyang magtimpla ng gatas at magpadede kay Baby Kylie at namasyal pa sila sa mall na malapit sa tinitirhan nila. (REGGEE BONOAN)