Alden & Maine - gallery copy

NATUWA ang fans nina Alden Richardsat Maine Mendoza nang malaman na tumutok din ang Singapore-based television award-giving body na Asian Television Awards (ATA) sa pilot telecast ng Destined To Be Yours. 

Nang gabing iyon, nakakuha ng 3.9 million tweets ang hashtag nila na nag-trend nationwide at worldwide. Hindi na kami magtataka kung gabi-gabi ay patuloy pa ring tututukan ang teleserye.

Hindi pala ito ang unang pagsuporta ng ATA kina Alden at Maine. Noong pumutok sa TV at sa social media ang kalyeserye ng dalawa sa Eat Bulaga, naging follower na sila ng show sa Twitter at Instagram. Tinutukan nila ang takbo ng kuwento ng kalyeserye at ng iba pang activities at accomplishments nina Alden at Maine. 

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Araw-araw din silang gumagamit ng official hashtag ng AlDub, nagri-retweet, nagku-quote, at sumasali sa Twitter party ng AlDub Nation.

No wonder, kaya pala kinuha ng ATA si Alden sa 21st Asian Television Awards last December para maging isa sa hosts.

Noon pa maraming nagtatanong kung bakit hindi kasama ni Alden si Maine, kaya bago pa man bumalik ng Pilipinas si Alden pagkatapos ng awards night, may standing offer na ang ATA kina Alden at Maine para mag-host ng 22nd Asian Television Awards sa December 1, 2017, sa Suntec Singapore Convention & Exhibition Centre sa Singapore.

(NORA CALDERON)