Maine The Maine Celebration copy

TITLED “The Maine Celebration” ang ginanap na special 22nd birthday presentation ng Eat Bulaga para kayMaine Mendoza sa Broadway Centrum nitong Sabado, March 4, although noong Friday, March 3 ang birthday niya na ipinagdiwang ng dalaga kasama sina Alden Richards, Jose Manalo, Paolo Ballesteros at Wally Bayola at mga taga-San Roque, Navotas City.  

Doon, inilunsad ni Maine ang kanyang nutrition program para sa mga estudyante na hindi nakakakain ng almusal bago pumasok ng school. Kaya nanawagan siya na ang birthday gift sa kanya ay iyong maaaring ipagkaloob sa nutrition program niya. May boxes na matatagpuan sa Broadway Studio ngEat Bulaga para rito. 

Ang maraming cakes o cupcakes na dumating sa barangay, ipinamigay din nina Maine at Alden sa mga naroon.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Si Maine ang opening number ng show sa Broadway Studio, kumanta at tumugtog siya ng drums kasama ang “Music Hero” finalists, ginaya lang niya ang ballet dancers pero hindi siya sumayaw dahil pumasok na si Alden at nag-sing and dance sila.

Nag-wish kay Maine ng more succees sina Ryan Agoncillo, Ruby Rodriquez, Baste at Ryzza Mae Dizon. Ayon kay si Allan K, kasalan na raw. Si Tito Sotto, ipagpatuloy daw nina Maine at Alden ang pagmamahalan nila at gayahin daw sila ng wife na si Helen Gamboa, na hanggang ngayon ay magkasama, pero huwag daw gagayahin ang ginawa nila noong 21 anyos siya na nagtanan sila ni Helen. 

Sabi ni Alden kay Maine, marami na raw silang ginawa na magkasama at nakita nilang mas malakas sila kung magkasama sila. May naging misunderstandings daw sila, pero nabawasan na ngayon na ikinatutuwa niya, sana magtagal pa ang samahan nila, i-enjoy ni Maine ang mga ginagawa, at ngayong palagay na ang loob nila sa isa’t isa, lahat daw ng laban at pagsubok na darating pa sa kanilang dalawa ay kakayanin nila.

Apat na lalaking malapit kay Maine ang naglaro sa Jackpot En Poy segment: Alden for yellow team, Kier Legaspi na idol pala ni Maine noong araw pa for blue team, Jake Ejercito sa green team, at si Tatay Dub, Teddy Mendoza for red team. Si Jake ang nanalo sa jackpot at ang 80 thousand pesos na napanalunan ay ipina-raffle niya sa four winners na tumanggap ng P20,000 each.

Muling pinatunayan ni Maine ang kanyang pagiging Dubsmash Queen nang i-interpret niya ang kinakantang Luha ng Aegis nina Jose, Paolo at Wally ang Luha ng Aegis. Wala siyang pakialam kung pumangit siya at gumulung-gulong sa lapag. 

Tilian sa studio pagdating sa linyang ‘nawala ang puso ko’ dahil nilapitan niya si Alden at kunwari ay kinuha ang puso nito at iyong famous na heart-shaped ng dalawa nilang kamay daw ang natagpuan niya.

Sa napakaraming na birthday cakes na natanggap si Maine, nagbiro si Tito Sen na kung nanonood daw ang Guiness Book of Records ay baka manalo si Maine. 

Labis-labis ang pasasalamat ni Maine sa lahat ng fans na hindi nagsasawa sa pagsuporta sa kanila sa Eat Bulaga at sa kanila ni Alden lalo na ngayong palabas na ang kanilang teleseryeng Destined To Be Yours sa GMA-7. (NORA CALDERON)