ILOILO CITY – Sinimulan nang ipatupad ang gun ban sa Iloilo City kaugnay ng pagdaraos sa siyudad ng dalawang pulong ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Sinabi ni Police Regional Office (PRO)-6 Director Chief Supt. Jose Gentiles na nagsimulang ipatupad ang gun ban nitong Biyernes, Marso 3, at tatagal hanggang sa Marso 20.

Paglilinaw ni Chief Supt. Gentiles, tanging mga naka-duty na operatiba ng pulisya, militar, Philippine Coast Guard at iba pang law enforcement agencies ang maaaring magbitbit ng armas.

Idaraos sa Iloilo City ang ika-22 pulong ng Senior Officials Committee ng ASEAN Socio-Cultural Community sa Marso 6-9. (Tara Yap)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder