Ni RAYMUND F. ANTONIO

Kung sa tingin ng social media trolls na mapapatahimik nila siya sa pinakabagong pasabog tungkol sa kanya sa online, nagkakamali ang mga ito.

Ipinagdiinang wala siyang dapat itago, hindi papatulan ni Vice President Leni Robredo ang kahit anong ibinabatikos sa kanya sa online at nangakong ipagpapatuloy ang pagiging boses ng mga hindi sang-ayon sa mga polisiya ng administrasyong Duterte.

Ito ay matapos ilabas ng grupong “We Are Collective,” na mayroong website at Facebook fan page, ang unang parte ng isang online article na may “Deception: The Shocking Truth behind Leni and Jesse Robredo.”

Pagdagsa ng mga pasahero sa PITX, inaasahang papalo ng 3 milyon ngayong holiday season!

Nag-viral at trending sa social media ang kung tawagin ay #NagaLeaks.

“This is not the first time it was done. It was done before. They didn’t succeed and no matter what they do, they can’t keep us quiet,” pahayag ni Robredo.

Sa kanyang pakikipag-usap sa mga mamamahayag sa Cebu City, ipinahayag niya ang “truth” tungkol sa mga Robredo, at sinabing isa na namang maling impormasyon ang ipinakalat ng kanyang mga kritiko.

“We are ready to face anything. We had nothing to hide. We did not sin against the country,” sambit ni Robredo, na minsang naging parte ng gabinete ng kasalukuyang administrasyon.

Ayon pa sa dating housing chief, ipagpapatuloy niya ang pagpapahayag ng kanyang saloobin sa iba’t ibang isyu na kinakaharap ng Pilipinas.

“Whatever these supposed leaks that were coming out is an attempt to silence us,” sabi ng Bise Presidente.

“We will express our beliefs wholeheartedly and courageously no matter what they do to try block it,” dagdag ni Robredo.