KRIS SA MINALUNGAO NATIONAL PARK copy

SA wakas, matutupad na ang television show na matagal nang pinapangarap ni Kris Aquino.

Well traveled si Kris (“Ito lang ang kaligayahan na kaya kong bilhin para sa sarili ko at para sa mga anak ko, Kuya Dindo,” text message niya sa inyong abang lingkod noong nandodoon sila nina Joshua at Bimby sa Kyoto, Japan.) kaya aware siya na world class din ang Philippine destinations.

Naniniwala si Kris sa napakalaking potential ng turismo natin hindi lamang para sa mga dayuhan kundi maging para sa mga kababayan natin na nagsisitungo pa sa iba’t ibang bansa para makapamasyal lamang sa magagandang lugar.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Katunayan, kung ang iba’t ibang bansa ay kinailangan pang magtayo ng kahanga-hangang mga istruktura, kusa na itong ibinigay ng Diyos sa atin sa kamangha-manghang mga tanawin at kalikasan.

Passionate si Kris sa Philippine tourism dahil alam niyang ito ang future, at maghahatid ito ng kabuhayan sa milyun-milyon nating kababayan.

Higit sa lahat, challenge para sa kanya na maipa-realize sa mga Pilipino ang katotohanan (na masyadong natatakpan sa ngayon) na kasing ganda rin ng Pilipinas ang ating kalooban.

Kaya enjoy na enjoy ang Queen of All Media sa taping ng #TripNiKris sa Minalungao National Park, isang protected natural wonder na dinadayo ng napakarami nating mga kababayan sa General Tinio, Nueva Ecija.

Sa Instagram post niya kahapon habang dinudumog siya ng local tourists, ang caption ni Kris: “I missed this work, I missed meeting new people and learning about their lives -- most of all I missed the smiles that greeted me every time I was taping on location... my months away from TV work taught me to truly be GRATEFUL FOR TODAY and thank God and thank all of you for the BLESSING of living & loving my life. #TripNiKris ❤.”

Mapapanood sa March 26, Linggo, ang two-hour special na #TripNiKris sa GMA-7, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Maraming salamat sa GMA Network sa pagbibigay ng pagkakataon kay Kris na maisakatuparan ang matagal na niyang dream project na ito. (DINDO M. BALARES)