IBA talagang magpakilig si Justin Timberlake!

Jessica Biel  at Justin Timberlake (Photo by Evan Agostini/Invision/AP)
Jessica Biel at Justin Timberlake (Photo by Evan Agostini/Invision/AP)
Binati ng mang-aawit at aktor ang kanyang asawa na si Jessica Biel sa ika-35 kaarawan nito sa pamamagitan ng nakakakilig na mensahe sa Instagram at Twitter nitong Biyernes.

“You make me laugh. You make me smile. You make me LOVE. You make me want to be BETTER. Speaking of, it doesn’t get any BETTER than you,” caption ni Justin, 36, sa selfie nilang mag-asawa.

“Now, I know for sure that it’s BETTER to be lucky than good. Ask me who the luckiest guy in the world is and I will tell you that you are looking at him. Happy Birthday, my heart,” pagtatapos niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ikinasal sina Justine at Jessica, na may isang anak -- ang 22 buwang gulang na si Silas Randall, noong 2012 pagkatapos ng limang taong pagiging magkasintahan.

Sadyang thoughtful si Justin kapag nagpo-post sa social media ng kanyang mensahe tuwing kaarawan ni Jessica.

Noong 2016, nag-post siya ng nakakatuwang litrato nila at ipinagmalaki ang asawa sa pagiging ina at asawa nito. At noong 2015, sinabi niyang ito ang “sweetest, most gorgeous, goofiest, most bad-ass chick” sa lahat ng mga nakilala niya. - People.com