KRIS copy

SA GMA-7 mapapanood ang two-hour special na ginagawa ni Kris Aquino.

May working title na #TripNiKris, nagsimula na ang taping nito kahapon sa Nueva Ecjia.

Madaling araw pa lang ay nasa location na sila, at nag-post si Kris sa kanyang social media accounts ng, “I’m excited to roll -- we arrived 1:30 AM -- nahirapan matulog kasi kinakabahan. From my heart, moving forward without @luiandrada, @jasminip, and @darlasauler especially for a travel themed special. Feels so strange, BUT “Life begins again at the end of your comfort zone. #TripNiKris ❤.”

Earlier, ito ang kanyang post: “I’m nervous for this new project, new journey, new team to work with, new places to explore -- but I’m prepared because my new steps are being taken wearing beautiful shoes. #FeelingCinderella VIDEO by @VIR.ph. Leaving now... #TripNiKris#BestOfThePhilippines ❤.”

Lifehacks

ALAMIN: Paglantak ng banana, nagdudulot ng sagad na ligaya!

Ipapalabas ang travel themed special ni Kris sa Marso 26, Linggo, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Nangangahulugan ito na hindi sa ABS-CBN babalik ang Queen of All Media kundi sa GMA Network.

Full circle ito para sa television career ni Kris. Matatandaan na sa See True ni Inday Badiday sa Channel 7 siya unang nasilayan ng televiewers na nagtala noon ng napakataas na ratings. Noon nagsimula ang kanyang multi-million o multi-billion career sa entertainment industry.

Sa tuluy-tuloy na ratings war ng ABS-CBN at GMA-7, imposible na hindi maging game changer ang tuluyan nang pagbabalik ni Kris sa network na aniya’y “where I belong”.

Hindi pa namin naitanong kay Kris kung ano ang susunod sa two-hour special na eere. Hindi na namin siya maistorbo kahapon dahil busy na siya sa taping. (DINDO M. BALARES)