Mendozas at Faulkersons copy

NAGKASAMA-SAMA sina Teddy at Mary Ann Mendoza, parents ni Maine Mendoza at si Richard Faulkerson Sr., daddy ni Alden Richards sa isang private dinner hosted by the balikbayan friends of Nanay Dub (Mary Ann) from UK, sina Jane Perry at May Ravana from New Jersey, with Mareeya Rivers from California last March 2, sa Gazebo Royale sa Quezon City.

Ang dinner ay para sa birthday celebration ni Nikki Mendoza-Catalan, older sister ni Maine nang araw na iyon, birthday salubong for Maine’s birthday ng March 3 at post birthday celebration na rin para kay Alden noong January 2.

Pero nagkataon naman na parehong may trabaho sina Alden at Maine nang araw na iyon. Maaga pang pumunta ng La Union, si Alden, para mag-guest sa beauty pageant sponsored ni Mayor Packoy Ortega. Host ng pageant sina Boy Abunda at Ai Ai delas Alas. Si Alden ang nagharana sa candidates, kinanta niya ang Wish I May at God Gave Me You, na identified sa kanila ni Maine. Chairman naman ng jury si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. May laglagan portion din sina Ai Ai at Alden dahil nga ilang oras na lamang daw ay birthday na ni Maine. After his songs, bumalik agad ng Manila si Alden.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Si Maine naman ay nasa Broadway studio para sa rehearsal ng production numbers na gagawin niya sa birthday celebration niya sa Eat Bulaga ngayong Sabado. Nag-sorry siya sa mga bisita nila ni Alden na hindi sila nakadalo.

Naintindihan naman ng hosts na una ang trabaho kina Alden at Maine, at sapat na sa kanila ang pagdating nina Tatay Dub (Teddy Mendoza), Nanay Dub at Daddy Bae (Richard Sr.). Dumating din ang birthday celebrant na si Nikki kasama ang husband na si John Catalan at ang anak nilang cutie, si Matti, nandoon din ang older brother ni Maine na si Nicco with his girlfriend Crisna.

Kuwentuhan sila over dinner at pagkatapos ay pare-parehong nagpasalamat ang parents nina Alden at Maine sa suportang ibinibigay sa kanilang anak ng mga fans at televiewers sa first teleserye nila sa GMA-7, ang Destined To Be Yours na napapanood gabi-gabi pagkatapos ng Encantadia. (NORA CALDERON)