Sunud-sunod na natupok ang ilang establisiyemento sa sunog na sumiklab sa isang pabrika sa Taytay, Rizal, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Senior Insp. Ireneo Servillejo, municipal fire marshal ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Taytay, pasado 11:00 ng gabi nagsimula ang sunog sa pabrika ng power steering at hydraulic hose na matatagpuan sa Casimiro A. Yñarez Boulevard, sa Barangay San Juan.

Mabilis na kumalat ang apoy, umabot sa ikalawang alarma, sa mga katabing establisiyemento na binubuo ng hardware store, animal feeds shop, dental clinic, plywood at palochina store at isang junkshop.

Base sa imbestigasyon, posibleng faulty electrical wiring ang sanhi ng sunog na tuluyang naapula dakong 1:00 ng madaling araw kahapon.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Inaalam pa ng mga awtoridad ang kabuuang halaga ng mga ari-ariang natupok habang walang naiulat na nasaktan at namatay sa insidente. (Mary Ann Santiago)