Nahaharap ngayon sa kasong plunder sa Office of the Ombudsman ang treasurer ng Laoag City, Ilocos Norte kaugnay ng pagkakasangkot umano nito sa pagkawala ng aabot sa P85 milyon pondo ng lungsod noong 2016.

Ito ay makaraang magsampa ng kasong plunder ang National Bureau of Investigation (NBI)-Laoag District Office sa anti-graft agency.

Ayon sa reklamo, nakuha ni Asuncion ang pera mula sa pondo ng lungsod simula noong 2007, nang alkalde pa ng siyudad si Michael Farinas, na kasalukuyang bise alkalde.

Hulyo 1, 2007 nang ma-promote si Asuncion at maitalagang treasurer ng pamahalaang lungsod.

Probinsya

Lasing, ginulpi ng lalaking kinumpronta; patay!

Bumiyahe na si Asuncion papuntang Hawaii noong 2016. (Rommel P. Tabbad)