Habambuhay na pagkakabilanggo ang hatol ng Taguig City Regional Trial Court (RTC) laban sa isang miyembro ng “Tinga Drug Syndicate” habang 10-15 taong pagkakakulong ang ipinataw sa dalawa niyang kasabwat sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Sa 32 pahinang desisyon ni Taguig RTC Branch 267 Judge Antonio Olivete, hinatulan ng reclusion perpetua si Elisa “Ely” Tinga, nasa hustong gulang, at siya’y pinagbabayad ng korte ng P500,000 moral damages.

Sampu hanggang 15 taon namang mamamalagi sa selda sina Andrea Escalante at Daniel Datinggaling, kapwa nasa hustong gulang, at pinagbabayad din ng tig-P300,000. (Bella Gamotea)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20