Inaprubahan ng House committee on human rights ang panukala na layuning amyendahan ang RA 10368 (Human Rights Victims Reparation and Recognition Act of 2013) upang higit na makabuwelo ang Human Rights Victims’ Claims Board (HRVCB) upang maipatupad ang mandato nitong kilalanin at bayaran ng danyos ang mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao noong panahon ng diktaduryang Marcos.
Sa pagdinig na pinangunahan ni Amin Party-list Rep. Sitti Djalia A. Turabin-Hataman, vice chairperson ng komite, ipinasa ang House Bill 4574 ni Quezon City 6th District Rep. Jose Christopher Y. Belmonte, na itinaguyod naman ni Sorsogon 1st District Rep. Evelina G. Escudero.
“This is a priority bill since the law, which we are considering to amend, has given the HRVCB until 2018 to perform its mandate,” ani Hataman.