jessy-at-luis-copy-copy

APRUB na aprub kay Luis Manzano ang pag-aaral ni Jessy Mendiola ng fashion designing sa Institute of Creative Entrepreneurship Fashion and Design.

Ayon mismo kay Jessy, walang problema kay Luis ang katuparan ng matagal niyang pangarap na makagawa ng mga damit.

Naka-full support sa kanya ang boyfriend niya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“For now, basics with a fundamentals of patternmaking course pa lang ako. Matagal ko nang pangarap talaga na makagawa ng mga damit pero wala lang po akong lakas ng loob na gawin at matuto,” sabi ng aktres.

Ngayon lang daw siya nagkalakas ng loob na tuparin ang pangarap niya.

“Tiyempo kasing napadaan ako sa school one day kaya feeling ko po meant to be. Kaya nagkaroon ako ng courage to try something new,” sey ng dalaga.

Excited at natutuwa si Jessy sa bagong pagkakaabalahan niya.

“I’ve attended two classes pa lang naman, I just started last week. If mabilis ka matuto, you can move on to sewing na,” aniya.

Nagsisilbing stress reliever sa kanya ang pag-aaral niya ngayon.

“I’ve learned how to measure well at medyo may halong math pa rin kasi medyo tricky sa umpisa,” lahad pa ng aktres.

Balak niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa ibang bansa.

“Well, if time permits, I would love to study abroad. If given a chance pa rin, eh, I really want to pursue all the way,” banggit pa niya. (JIMI ESCALA)