HINDI pa man natatapos ang negosasyon para sa kumpirmasyon nang sagupaan nina eight-division world champion Manny Pacquiao at dating WBA at IBF light welterweight titlist Amir Khan ng United Kingdom, may malaking laban nang naghihintay sa Pinoy boxer.

Pinalutang kamakalawa ni Hall of Fame trainer Nacho Beristain na posibleng makalaban ni Pacquiao ang kababayan niyang si Mexican Juan Manuel Marquez sa isang $70 milyong sagupaan sa Macau, China bago matapos ang taon.

Ayon kay boxing writer Andy Clarke ng Boxing News Online, inamin sa kanya ni Beristain na interesado si Marquez nang marinig ang alok na laban kay Pacquiao sa halagang $70 milyon.

“Beristain says $70 million dollars has been put on the table for Juan Manuel Marquez to meet Manny Pacquiao in China in September, and apparently they’d only need to pay $4 million of that in tax,” ayon kay Clarke. “2017 could turn out to be a golden year for Manny Pacquiao.”

UAAP season 87 nagsimula na; Ateneo at UP, mauunang magbakbakan

Sinabi naman ni Top Rank big boss Bob Arum na magkikita sila ngayon ni Michael Koncz, adviser ni Pacquiao, para sa pinal na negosasyon sa depensa ng Pinoy champion kay Khan.

‘’Well, Mike Koncz is flying in to the United States now and we’re going to meet tomorrow,” sabi ni Arum sa BoxingScene.com.

Inihayag ni Koncz na kumpirmado na ang sagupaan nina Pacquiao at Khan sa United Arab Emirates at magiging pormal ito matapos ang pag-uusap nila ni Arum.

“I don’t know what offer were talking about but obviously we’re all collegial, we’re all on the same team and we’ll discuss what is the best move for Manny tomorrow,” dagdag ni Arum. “I’m not going to say till I know. I have none. We’ll see what we see.” (Gilbert Espeña)