PINANGUNAHAN ni rookie sensation AJ Lim ang University of the East sa first round sweep ng UAAP Season 79 lawn tennis tournament nitong weekend.

Naghahangad ng unang titulo sa liga, tinalo ng Red Warriors ang defending champion National University, 4-1, gayundin ang De La Salle, 3-1 sa Rizal Memorial Tennis Center.

Nagsanib puwersa sina Lim at katambal na si Josshua Kinaadman upang pamunuan ang UE sa ikalimang sunod na panalo.

Ang panalo ang ikalimang sunod na singles win para sa 17-anyos na si Lim na naglaro kamakailan para sa National Team sa nakaraang Davis Cup.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nahati naman ang results ng laro ng gapiin ng University of Santo Tomas,ang De La Salle, 3-2, bago natalo sa Ateneo, 2-3.

Dahil dito, nagtabla ang Growling Tigers at Bulldogs sa ikalawang posisyon sa patas na barahang 2-2.

Sa women’s division, nagtapos ding walang talo sa first round ang reigning women’s titlist Lady Bulldogs matapos magposte ng identical 4-1 na panalo kontra Lady Maroons at Lady Archers sa pamumuno nina dating league MVP winners Clarice at Christine Patrimonio.

Sa isa pag laro, naungusan ng UST ang Ateneo, 3-2,upang pumangalawa sa markang 3-1, habang bumaba ang Lady Maroons sa patas na barahang 2-2. (Marivic Awitan)