TONI copy copy

MABUTI at hindi napipikon si Toni Gonzaga sa pakikialam ng ilang netizens sa kanyang timbang. Pero sa mga one liner na sagot, mahahalatang hindi natutuwa ang TV host/actress sa mga komento sa kapayatan niya.

Ipinost kasi ni Toni ang result nang magtimbang siya at nakitang 96.8 lbs. lang siya. Sabi niya, “I keep losing and Seve (baby nila ni Direk Paul Soriano) keeps gaining... #breastfeeding #pumpitup #lowestivebeen #needtoeatmore.”

Hayun na, marami na agad ang nagbigay ng unsolicited advise kay Toni at tinuruan siya kung ano ang dapat kainin at dapat gawin. Hindi nag-react si Toni at binasa lang siguro ang comments.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nag-react lang si Toni sa nag-comment ng, “Eh, di ba nga ayaw mo tumaba ur more concerned of ur body.” Dagdag ng nag-comment, napanood nito sa Magandang Buhay si Toni at sinabi pa raw niya, nalulungkot siya dahil tumataba siya.

“Talaga ba?” ang reaction ni Toni at hindi na kailangang magsalita pa siya dahil ang isa niyang follower ang nagpaliwanag na ang sinabi niya sa show ay, “Not being vain, I just want to be physically fit and healthy for my baby.”

Hayan, malinaw, wala nang isyu. Saka sinabi naman ni Toni na kaya siya pumapayat dahil nagbi-breastfeed siya.

Karamihan sa nagbi-breastfeed ay payat. (NITZ MIRALLES)