Emma copy

HALOS hindi makapagsalita si Emma Stone nang magkamali sina Warren Beatty at Faye Dunaway sa paghayag na ang La La Land ang nanalo bilang Best Picture sa Oscar sa halip na ang Moonlight.

“Whew, you guys see that?” saad ni Emma nang makapanayam sa backstage ng Academy Awards.

Naging madiplomasya ang aktres nang tanungin tungkol sa pagkakamali.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“I f**king love Moonlight. God, I love Moonlight so much. I am so excited for Moonlight,” aniya. “And of course, it was an amazing thing to hear La La Land. I think we all would have loved to win Best Picture, but we are so excited for Moonlight. I think it is one of the best films of all time, so I was pretty beside myself.”

“I also was holding my Best Actress in a Leading Role card that entire time -- I don’t mean to start stuff -- but whatever story that was, I had that card, so I am not sure what happened,” dagdag niya.

Samantala, ipinaliwanag naman sa entablado ni Beatty ang pagkakamali dahil maling envelope ang naibigay sa kanila ni Dunaway. Sa halip na Best Picture envelope, para sa Best Actress ang naibigay sa kanila. “I opened the envelope and it said Emma Stone, La La Land,” aniya. “That’s why I looked at Faye, and at you. I wasn’t trying to be funny.”

(ET Online)