NEW DELHI (AP) – Siyam na turistang Indian ang nalunod nang lumubog ang isang bangkang pangisda na namamasyal sa Bay of Bengal sa katimugan ng India.

Sinabi ni government administrator M. Ravi Kumar na nangyari ang aksidente noong Linggo habang mataas ang alon, at walang suot na life jacket ang mga biktima. Nasagip ang 11 katao at dinala sa ospital sa Tuticorin, isang bayan sa estado ng Tamil Nadu.

Naganap ang aksidente na may 65 kilometro ang layo mula sa timog ng Tuticorin. Inupahan ang bangka para mamasyal sa baybayin ng Coromandel.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na