Zanjoe , Bela copy

KUMPIRMADONG sina Zanjoe Marudo at Bela Padilla ang magkasamang manonood ng concert ng Coldplay sa Mall of Asia Grounds sa Abril 4.

Nasulat na namin kamakailan ang espekulasyon namin na posibleng silang dalawa ang magkasamang manood ng naturang concert dahil pareho na silang single at nagkataon na parehong VIP ang hawak nilang tickets.

Higit sa lahat, may source kami na nagbulong sa amin na since nagkasama sa My Dear Heart ay nagkakadebelopan na raw sina Bela at Zanjoe.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Matatandaan na nang mag-guest si Zanjoe sa Tonight With Boy Abunda para i-promote ang bagong teleserye nila ni Bela na My Dear Heart ay nabanggit ng aktor na bumili siya ang dalawang tickets ng concert ng Coldplay na wala siyang ideya kung sino ang makakasama niya.

Nang malaman niyang crush daw siya ni Vice Ganda ay tinanong niya ito sa ere kung may ticket na ang GGV host ng Coldplay concert.

Pero dahil nagkalapit nang husto sina Zanjoe at Bela habang ginagawa nila ang My Dear Heart ay napagkasunduan na raw ng dalawa na sabay na silang manonood ng inaabangang concert.

“Parang hindi na naman nila itinatagong close sila,” bulong ng aming source. “Di ba nabanggit ni Kuya Boy sa show niya na nakitang magkasama sina Zanjoe at Bela sa isang mall at sabi ni Kuya Boy wala namang masama?”

Oo nga naman, bakit kailangan pang ilihim ang anumang puwede namang ipaalam sa publiko?

Pero nabanggit ni Bela nang huli namin siyang makapanayam na close siya sa lahat ng kasama niya sa My Dear Heart dahil isang pamilya ang turingan nilang lahat.

Hmmm, hintayin na lang natin kung kailan sila aamin na sila na ngang dalawa. (REGGEE BONOAN)