Pinag-iisipan ng isang poll watchdog group na magsampa ng impeachment case laban kay Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista.

Sinabi ni Kontra Daya convenor Danilo Arao na pag-aaralan nila ang posibleng paghahain ng impeachment case kapag tumangging magbitiw ni Bautista.

“As early as the ‘Comeleaks’ issue, we have already said that there is sufficient ground for his impeachment,” aniya.

“The Comelec ‘reboot’ should happen soon, preferably before 2019.”

Eleksyon

TINGNAN: Listahan ng mga kandidato sa pagka-senador at party-list

Nauna rito, naglabas ng pahayag ang Kontra Daya na nananawagan ng pagbibitiw ni Bautista dahil sa diumano’y “incompetence” nito.

Sinabi ng Kontra Daya na ang computer na naglalaman ng mga sensitibong voters’ information na ninakaw sa opisina ng Comelec sa Wao, Lanao del Sur noong nakaraang buwan ay nangangahulugan na nangangailangan na ng pagbabago ang poll body.

“The Wao break-in highlights anew the brazen incompetence of the Comelec leadership and it is high time that Bautista resign,” sabi ng grupo.

Ilang linggo bago ang halalan noong Mayo 2016 na-hack ang website ng Comelec at isinapubliko ng hackers ang mga sensitibong impormasyon ng mga botante gaya ng mga address at passport number.

Sa mga kadahilanang to, sinabi ng Kontra Daya na kailangan na ng bagong simula ng Comelec.

(Leslie Ann G. Aquino)