SI Angel Locsin pa rin, at wala nang iba pa, ang gaganap bilang Darna sa pelikula ng Star Cinema. Kaya siguro nu’ng tanungin si Yassi Pressman sa contract signing niya sa ABS-CBN bilang certified Kapamilya talent ay thankful siya na naisip siyang puwedeng gumanap maski alam niyang hindi.
“As of now hindi pa alam kung kailan ang start ng shooting ng Darna kasi puro training pa ngayon si Angel for preparation,” sabi ng aming spy sa Dos.
Busy na rin si Direk Erik Matti sa pre-production ng Darna, sabi pa ng source, “Sobrang busy sina Direk Erik ngayon, sumasabay pa sa OTJ (mini-series).”
Hindi lang yata makapag-announce ang Star Cinema kung sino ang gaganap na Darna dahil hindi pa nga nagsisimula ang shooting or else baka maurong na naman tulad noong nakaraang taon.
Samantala, halatang ini-enjoy ni Angel ang pagiging single. Napakarami niyang lakad kasama ang mga kaibigan. Solong buhay nang namumuhay si Angel simula nang humiwalay siya ng tirahan sa kanyang ama noon pang nakaraang, nakalipat na siya sa condo na nabili niya sa The Fort.
Dinadalaw-dalaw na lang ng aktres ang kanyang pamilya sa Quezon City. (Reggee Bonoan)