TAPOS na ang paghihintay ng fans nina Alden Richards at Maine Mendozadahil premiere airing na ng kanilang first-ever teleserye together na Destined To Be Yours ngayong gabi. 

Iikot ang kuwento ng Destined To Be Yours kina Benjie Rosales (Alden) at Sinag Obispo (Maine), dalawang magkaibang tao mula sa dalawang magkaibang mundo, na pagtatagpuin ng tadhana.

Masayang ibinahagi ni Alden ang excitement niya sa highly-anticipated soap. 

“Sobrang happy ako with the team and with the actors na nakakasama po namin dahil ramdam ko po iyong passion nila to make our soap work and to make the script very effective sa audience at sa actors as well,” sabi ng aktor.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Ginawa namin ang soap na ito para sa aming mga fans,” pahayag naman ni Maine. “Ang talagang mahalaga sa amin ni Alden ay magustuhan nila ang aming soap. Sana ay matuwa sila at maging proud sila sa akin, sa amin.”

Makakasama nina Alden at Maine sa Destined To Be Yours sina Ms. Boots Anson Roa, Lotlot de Leon, Gardo Versoza, Tommy Abuel, Ronnie Henares, Ina Feleo, Sheena Halili, Dominic Roco, Juancho Trivino, RJ Padilla, Koreen Medina at ang nagbabalik-Kapuso na si Ms. Janice de Belen.

Mula sa direksiyon ni Irene Villamor, huwag palampasin ang inaabangang worldwide premiere ng Destined To Be Yours ngayong gabi pagkatapos ng Encantadia sa GMA Telebabad.