Dennis2 copy

ANG ganda ng teaser na inilabas ng GMA-7 para sa Mulawin vs Ravena na nakalagay ang mukha ng mga artistang kasama sa cast sa balahibo ng ibon. 

Ang cast pa lang na naunang ini-announce ang kasama sa teaser, marami pang ibang makakasama kaya maghintay lang sila na mailagay din sa balahibo ng mulawin ang kanilang mukha.

Samantala, nagsimula na ang extensive physical training nina Dennis Trillo, Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Derrick Monasterio, Kiko Estrada at Bea Binene para sa gagawin nilang fight scenes. Kailangan nilang mag-training ng Muay Thai at arnis at iba pang klase ng martial arts dahil ayaw nina Direk Don Michael Perez at Direk Dominic Zapata na dayain ang mga eksena o may double sila, unless talagang mahirap o delikado kaya hindi nila kakayanin.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Si Dennis ang pinakabida sa pagbabalik ng Mulawin vs Ravena, kaya siya ang pinaka-pressured. Ito ang dahilan kaya todo-todo ang ensayo niya. Mabuti na lang at talagang nagdyi-gym ang aktor, hindi siya mabibigla.

Curious lang ang Kapuso fans kung kontrabida pa rin ang role ni Gabriel na kanyang gagampanan. Sa original na Mulawin, si Gabriel ang kontrabida ni Aguiluz na ginampanan noon ni Richard Gutierrez. (Nitz Miralles)