TARLAC CITY – Isang dalagitang motorcycle rider ang nasawi habang grabe namang nasugatan ang angkas nito makaraan silang sumalpok sa isang kongkretong pader sa Murcia Road, Barangay Burot sa Tarlac City, nitong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ni SPO1 Aldrin Dayag ang nasawing si Ericka Lobo, 17, driver ng Yamaha Mio motorcycle at taga-Bgy. Matatalaib, Tarlac City.

Sugatan naman ang angkas niyang si Jammae Magat, 16, na ginagamot pa sa Tarlac Provincial Hospital.

(Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog