ncaa copy

SUBIC BAY – Natupad ang pangako nina Grethcel Soltones at Alyssa Eroa ng San Sebastian nang gapiin ang tambalan nina Ma. Nieza at Ma. Jeziela Viray ng San Beda, 16-21, 21-15, 15-11, kahapon at maitarak ang makasaysayang four-peat sa beach volleyball ng Season 92 NCAA sa Subic Bay sand sa Subic Park Hotel.

Kahanga-hanga ang panalo nina Soltones-Eroa na hindi napingasan sa kabuuang ng 10 laro para mapanatili ang korona sa Recto-based squad. Nakabawi rin ang dalawa mula sa masaklap na kampanya sa indoor volleyball kung saan nawalis sila ng Arellano university.

“Goodbye and thank you coach for helping us get here,” pahayag ni Soltones, patungkol sa kanyang coach na si Roger Gorayeb.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ito ang huling sabak ni Soltones na nakatakdang mag-graduate ngayong summer.

Tumatag ang kampanya ng San Sebastian nang magtamo ng injury si Ma. Nieza sa kaagahan ng unang set. Kahit nakabawi, naging malambot na ang kilos ng San beda spiker.

Sa juniors division, nabawi ng Emilio Aguinaldo ang koronan nang pabagsakin ang Letran, 24-22, 21-15.