coco copy

SAMAHAN si Coco Martin pati ang child wonders na sina Awra, Paquito, Ligaya, Dang, at Onyok ng FPJ’s Ang Probinsyano sa kanilang inihandang sorpresa para sa kanilang mga manonood ngayong tanghali sa ASAP.

Tuloy na tuloy din ang selebrasyon kasama ang mga paboritong Kapamilya Ladies na sina Toni Gonzaga, Sarah Geronimo, at Jolina Magdangal pati ang inaabangang reunion ng ASAP I.G. na sina Kathryn Bernardo, Liza Soberano, Janella Salvador, at Julia Barretto.

Kiligin naman sa Kapamilya hearthrobs na sina Piolo Pascual, Sam Milby, Daniel Padilla, Enrique Gil, Elmo Magalano, at nagbabalik rin na GIMME 5 na sina Nash Aguas, Grae Fernandez, Brace Arquiza, John Bermundo, at Joaquin Reyes.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Huwag palalampasin ang kakaibang collaboration nina Sarah Geronimo at James Reid at pakinggan sa pinakaunang pagkakataon ang pinakabagong single ng BoybandPH.

Samantala, makilahok sa world class dance showdown nina Loisa Andalio, Jerome Ponce, Joshua Garcia , Elmo Magalona, Julian Trono at Nhizky Calma.

Sisiguraduhin naman nina Phoebe Walker, Nathalie Hart, Loren Burgos, at Yassi Pressman kasama sina Enrique Gil at Kim Chiu na sisklab ang ASAP dance floor ngayong linggo.

Maki-celebrate rin sa birthday blowout ni Ylona Garcia kasama ang kanyang ASAP BFF girls na sina Loisa Andalio, Andrea Brillantes, Maris Racal, at Kira Balinger.

Greatest love duets naman ang handog ng ASAP Birit Queens at magpapasiklab din ang ilan sa magagaling na male singers sa bansa na sina Erik Santos, Daryl Ong, Michael Pangilinan, at Bradley Holmes.

Bibigyang-pugay naman ang musika ni Leah Navarro sa “ASAPinoy” sa pangunguna ni Concert King Martin Nievera.

Huwag palalampasin ang ASAP ngayong Linggo, 12NN, sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).