Pokwang copy

IILAN pa lamang ang nakakaalam na mahusay magluto si Pokwang. Kapag meron siyang masarap na niluluto, agad-agad niya itong dinadala sa set at ipinapatikim sa mga kasama sa trabaho.

Tatlong beses na kaming naanyayahan ni Pokwang sa kanyang bahay sa Antipolo at isine-serve niya ang kanyang mga natatanging luto gaya ng laing, arroz valenciana, bulalo at marami pang iba.

Kaya’t marami ang natuwang followers niya sa social media nang malaman na maglalabas siya ng sariling cook book.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang tuluyang pagkalas ng Pilipinas sa ICC noong Marso 17, 2019

Titled Patikim, Pokie! A Hugot Cookbook and More... Ganern! ang nasabing cook book na magtatampok ng best kept recipes ni Pokwang kasama ang paborito ng mga kaibigan niyang sina Angelica Panganiban, Kris Aquino, Vic Sotto at Vice Ganda.

Paano nga ba nag-umpisang mahumaling sa art of cooking si Pokwang?

“Kasi ang tatay ko isa siyang kusinero so every time na nasa kusina si Tatay nandu’n ako palagi. Nakikialam ako sa kusina ‘tapos lumaki kasi kami na kami-kami lang ang sa bahay. Nanay ko kasi mananahi, tatay ko wala so kailangan talaga namin matuto ng mga gawaing-bahay so ako ‘yung nakatoka sa pagluluto,” kuwento ni Pokie.

Mayroon siyang ipinagmamalaking sariling unique recipes.

“Siguro malaro ‘yung isip ko pagdating sa ganyan. ‘Yung mga what if ganituhin ko ‘yun, ibahin ko ‘yung timpla, ibahin ko ‘yung ingredients, maganda naman ‘yung kinakalabasan, in all fairness naman. Unang-una kong ‘pinapatikim sa anak ko kasi siyempre ang mga bata minsan mahirap pakainin so kung minsan naa-appreciate niya hayun, bongga.”

Ang cookbook ni Pokwang ay ililimbag ng ABS-CBN Publishing and will be available in National Bookstore branches next week. (ADOR SALUTA)