HEIDELBERG (AFP) – Isa ang namatay at dalawang iba pa ang nasugatan noong Sabado nang ibangga ng isang lalaki ang kanyang kotse sa mga taong naglalakad sa lungsod ng Heidelberg sa katimugan ng Germany.

Matapos ibangga ang sasakyan, tumakbo ang 35-anyos na German driver, armado ng patalim, patungo sa mataong kalye sa sentro ng lungsod ngunit nabaril at nasugatan ng mga pulis.

Namatay sa ospital ang 73-anyos na lalaking German na matinding nasugatan sa pagbangga. Isa pang 32-anyos na lalaking Austrian at isang 29-anyos na babaeng Bosnian ang ginagamot sa ospital.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

“At the current stage of the investigation there is nothing to suggest that it was a terrorist” act, sabi ng pulisya.

Iniulat ng pahayagang Bild na may problema sa pag-iisip ang suspek.