Pursigido ang House Subcommittee on Correctional Reforms na aprubahan sa susunod na linggo ang substitute bill na magbababa sa minimum age of criminal responsibility (MACR) mula 15-anyos sa siyam na taong gulang.

Nakatakda sanang aprubahan ng panel, pinamunuan ni Misamis Occidental Rep. Henry Oaminal, ang hakbang noong Miyerkules ngunit umapela ang technical working group nito ng isa pang linggo upang ihiwalay ang mga probisyon sa prayoridad na batas ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Nangako si ACT Teachers Rep. France Castro na haharangin ang pagpasa ng panukala na nagsasaad na ang children in conflict with the law (CICL) na siyam na taon hanggang 18 anyos pababa ay isasalang sa criminal proceedings.

“They still don’t have sufficient capacity to distinguish right from wrong and are vulnerable to authority, pressure, or deceit from adults,” aniya.

National

Catanduanes, niyanig ng 4.8-magnitude na lindol

Hiniling ni Castro ang lubusang pagpapatupad sa umiiral na Juvenile Justice Welfare Act (JJWA), na kinabibilangan ng pag-eestablisa sa 24-hour child-caring institutions ng local government units na tinatawag na Bahay Pag-asa.

(Charissa M. Luci)