DANIEL AT KATHRYN copy

TINANONG sa isang panayam si Kathryn Bernardo kung ano ang opinyon niya sa sinabi ng kanyang rumored boyfriend na si Daniel Padilla na nais nitong makatambal si Sarah Gernonimo.

“Oo nga daw, eh. Well, ako din gusto ko maka-work si Ate Sarah kasi sobrang fan ako and kung magkaroon sila ng project in the future with or without me, support pa din natin kasi gusto niya ‘yun and para magbigay din tayo ng ibang opportunity and I’m sure magki-click ‘yun if ever matuloy,” masayang sagot ni Kathryn.

‘Yun nga lang, imposibleng mangyari ang Daniel-Sarah team-up this 2017 dahil iere na ang Luna Sangre na pagbibidahan ng KathNiel.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kuwento ng dalaga, nag-umpisa na ang kanilang training bilang paghahanda sa gagawin nilang action scenes sa nasabing serye. Dibdiban ang paghahanda sa Luna Sangre dahil bukod sa drama ay may aksiyon ito.

“Puro training pa lang kung makikita n’yo sa mga post nila, kasi kailangan namin maging ready physically. Bago siya sa akin, so kailangan ko aralin and nakaka-excite kasi habang nagti-train ka, nai-imagine mo na and ii-explain sa ‘yo kung para saan ‘yung ginagawa mo and kailangan talaga abangan,” ani Kathryn.

Samantala, kung dream leading lady ni Daniel si Sarah, mayroon din siyang inaasam-asam na makapareha in the future.

“Siguro si Mr. John Lloyd Cruz, Papa P (Piolo Pascual) also and I’m very open kung sino ang kapareha basta alam ko na i-guide niya ako at marami pa akong matututunan sa tao na iyon. Yes, open ako doon,” sey ni Kathryn. (ADOR SALUTA)