Jay Z copy

ANG hip-hop icon na si Jay Z ang unang rapper na hinirang sa Songwriters Hall of Fame, at makakasama niya ang Motown Records founder na si Berry Gordy at R&B crooner na si Kenneth “Babyface” Edmonds, saad ng grupo nitong Miyerkules.

Ang 47-anyos na rapper, na nakapagbenta ng mahigit 100 milyong records sa kanyang career simula sa kanyang debut na Reasonable Doubt noong 1996, ay 21 beses na nanalo ng Grammy at asawa ng pop diva na si Beyonce.

“Also a powerful entrepreneur across the music/entertainment, fashion and sports industries, Jay Z personifies the ‘American Dream’,” ayon sa pahayag ng Songwriters Hall of Fame na naghayag ng class of 2017.

Human-Interest

BALITrivia: Ang ‘I Love You’ na nagbigay ng trauma sa halip na kilig noon

Itatalaga siya sa Hall sa Enero 15 sa New York kasama sina Gordy, Edmonds, at tatlo pang miyembro ng bandang Chicago na sina Robert Lamm, James Pankow, at Peter Cetera.

Kabilang din sa mga itatalaga ang songwriting-production duo na sina Jimmy Jam at Terry Lewis – na pinakakilala sa kanilang pakikipagtrabaho kay Janet Jackson – at hitmaker na si Max Martin, na sumulat ng mga awitin para sa mga grupo mula sa Backstreet Boys hanggang kina Katy Perry at The Weeknd. (AFP)