MMK 2 (2) copy

PAANO babangon ang isang pamilya mula sa matinding trahedya nang bawiin ang buhay ng kanilang anak ng isang ligaw na bala?

Mapapanood sa Maalaala Mo Kaya ngayong gabi ang kuwento ng pamilya ni Isong (Jhong Hilario). Sa kabila ng paghihirap sa buhay, nananatiling positibo ang kanilang pananaw sa buhay lalo na ang anak niyang si Ninin (Ynigo Delen). Kilala si Isong bilang barangay officer na kalaunan ay naging aktibong tipster sa kanilang local na pamahalaan. Para sa kanya, mabibigyan niya ng proteksiyon ang kanilang pamilya sa pagiging tapat sa kanyang trabaho.

Ngunit isang araw, magugulantang ang kanilang mapayapang buhay nang sa isang iglap ay isang ligaw na bala ang kumitil sa buhay ni Ninin.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Labis ang hinagpis ni Isong sa nangyari ngunit hindi pa pala natatapos ang kalbaryo niya, dahil sa halip na suportahan ay siya ang sinisi ng asawang si Marilou (Angel Aquino) sa sinapit ng kanilang anak.

Makakasama rin sa episode na ito sina Nikki Bagaporo, Menggie Cobbarubias, Macky Billiones, Nhickzy Calma, Winryll Banaag, David Chua, Jason Fernandez, at Young JV, mula sa panulat nina Benson Logronio at Arah Jell Baydayos at sa direksiyon ni Frasco Mortiz.