Cast ng 'DTBY' copy

NANGUNGULIT na ang Team Abroad fans nina Alden Richards at Maine Mendoza ng eksaktong schedule ng world premiere ng Destined To Be Yours, na magaganap sa Lunes, February 27.

Iba-iba kasi ang oras sa iba’t ibang panig ng mundo, kaya hindi naman puwede na kung magsisimula rito ng 8:30 PM, ganoon din sa kanila. Humingi kami ng schedule sa GMA Pinoy TV, at narito ang ibinigay nila para sa mga Kapuso abroad:

Pacific/Vancouver – 4:30 AM; Eastern/Toronto – 7:30 AM; Hawaii – 2:30 AM

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

United Arab Emirates – 4:30 PM, Kingdom of Saudi Arabia (KSA) – 3:30 PM

Italy – 1:30 PM, United Kingdom 12:30 PM

Hong Kong/Singapore – 8:30 AM, Japan – 9:30 PM, Guam – 10:30 PM

Australia - 11:30 PM

May taping sa Lunes ang Destined To Be Yours at tiyak tulad ng nakagawian na ng GMA-7, hihinto muna sila sa kanilang ginagawa para manood ng pilot episode.

Sabi nina Alden at Maine, sila man ay excited na ring mapanood ang kanilang pinaghihirapan sa taping sa napakalamig, maulan pero magandang kapaligiran sa Mt. Banahaw sa Dolores, Quezon.

Excited din silang mai-share na sa televiewers ang kagandahan ng ilang lugar sa ating bansa sa pamamagitan ng kanilang teleserye na idinidirehe ni Irene Villamor at nagtatampok din kina Janice de Belen, Gardo Versoza, Lotlot de Leon, Boots Anson-Rodrigo, Tommy Abuel, Sheena Halili, RJ Padilla, Juancho Trivino, Koreen Medina at Ina Feleo.

(NORA CALDERON)