PINATUNAYAN ni Rihanna na hindi lang siya R&B superstar. Nitong Miyerkules, kinilala siya bilang 2017 Harvard University Humanitarian of the Year dahil sa kanyang pagkakawanggawa.

Pararangalan ang 29-anyos na singer ng Barbados sa Harvard sa Pebrero 28, pahayag ng unibersidad.

“Rihanna has charitably built a state-of-the-art center for oncology and nuclear medicine to diagnose and treat breast cancer at the Queen Elizabeth Hospital in Bridgetown, Barbados,” saad ng Harvard Foundation director na si S. Allen Counter.

Nagtatag din siya ng scholarship program, na ipinangalan niya sa kanyang lolo at lola, para sa Caribbean students na nag-aaral sa United States, at sumusuporta sa pagsisikap na mabigyan ng mas magandang access sa edukasyon ang kababaihan sa mga umuunlad na bansa.

Events

Sa pagtakbong senador ni Willie: Wil To Win, magpapatuloy pa ba sa ere?

“It is for these philanthropic initiatives and other acts of compassionate sharing that the students and faculty of the Harvard Foundation chose to honor Rihanna with the 2017 Humanitarian of the Year Award,” ani Counter.

Humanay na ang mang-aawit sa mga naunang ginawaran ng nasabing parangal na si dating UN secretary general Ban Ki-Moon, Pakistani activist at Nobel Peace laureate na si Malala Yousafzai, at singer na si Lionel Richie.

Nakabenta si Rihanna, na Robyn Rihanna Fenty sa totoong buhay, ng mahigit 200 milyong record, nanalo ng walong Grammy Awards at nagkaroon ng 14 na number-one hit. Kilala rin siya dahil sa kanyang style at ngayon ay nakikipagtrabaho sa Puma para sa isang clothing line. (AFP)