The Better Half cast copy

HAYAN, dahil sa naging maingay masyado ang bagong ereng The Better Half nina Shaina Magdayao, Carlo Aquino, JC de Vera at Denise Laurel ay nanalo ito sa ratings game kumpara sa bagong show ng GMA7.

Malaki ang naitulong ng bago ring board member ng MTRCB na si Mocha Uson sa pagrereklamo laban sa mga eksena ng The Better Half. Marami tuloy ang na-curious kaya inaabangan na ito tuwing hapon pagkatapos ng It’s Showtime.

Nakamit ng The Better Half ang 16.9% kumpara sa katapat na show sa GMA na nakakuna naman ng 14.9%.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ang ratings na ito ay mula sa viewership survey sa Urban at Rural na isinagawa ng Kantar Media/TNS noong Pebrero 20.

(Reggee Bonoan)