TACURONG CITY, Sultan Kudarat - Isang babae ang inaresto ng Tacurong City Police habang kumukuha ng kanyang police clearance para makapagtrabaho, makaraang matuklasan na may nakabimbin siyang arrest warrant sa kasong illegal recruitment sa isang korte sa Maynila noon pang 2012.

Dakong 8:40 ng umaga kahapon at kukuha ng police clearance si Raida Magon, nasa hustong gulang, may asawa, ng Barangay Kalandagan, Tacurong City, nang matukoy sa kanyang record ang nasabing kaso.

Itinanggi naman ni Magon ang kinahaharap na kaso. (Leo P. Diaz)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog