ANDREA DINGDONG AT MEGAN copy copy

MAGTATAPOS na mamayang gabi ang Alyas Robin Hood at hindi lang si Dingdong Dantes bilang si Pepe ang mami-miss ng viewers kundi pati na sina Megan Young, Paolo Contis, Antoinette Garcia at ‘yung gumaganap na JunJun, Jaclyn Jose, Sid Lucero, Anthony Falcon, Dennis Padilla at si Andrea Torres.

Sa Alyas Robin Hood naipakita ni Andrea na hindi lang siya sexy star kundi marunong ding umarte at puwedeng maging action star. Kung gagawa ng action series ang GMA-7 na babae ang bida na mala-Uma Thurman sa Kill Bill ang bida, papasa si Andrea.

Maganda ang naging working experience ni Andrea doing Alyas Robin Hood at kahit naintriga ng konti dahil kay Dingdong, hindi naging dahilan ‘yun para mawalan siya ng gana sa trabaho. Ang ending, marami sa viewers ang Team Venus (pangalan ng karakter niya) na gustong sila ni Pepe ang magkatuluyan.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Kaya lang sa eksenang aabangan, parang mababaril siya ni Dean. Kapag namatay ang karakter ni Andrea, ang Team Sarri (Megan) ang mananalo sa puso ni Pepe. (Nitz Miralles)