Isang clearance na lamang ang ilalabas ng National Bureau of Investigation para sa lahat ng layunin.

Ilulunsad ng ahensiya ang Unified NBI Clearance System na gagawing multi-purpose ang ilalabas na clearance, alinsunod sa Circular No. 017 na nilagdaan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre. Ang bagong NBI Clearance ay magtataglay ng mga katagang “Issued for whatever legal purpose.”

Iniisyu ang dating NBI clearance depende kung saan ito gagamitin -- local employment, travel abroad, marriage, business requirement, change of name, naturalization at iba pa.

Sisimulan ang pagpapatupad ng multi-purpose NBI Clearance labing limang araw matapos mailathala ang bagong sistema sa mga pahayagan. (Beth Camia)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter