TARLAC CITY – Kakasuhan ng acts of lasciviousness at paglabag sa Anti-Child Abuse Law ang arestadong jeepney driver na umano’y napagtripang hipuan sa dibdib ang babaeng estudyante na kanyang pasahero, sa sa Barangay Sto. Domingo, Tarlac City, nitong Martes ng gabi.

Ayon kay PO2 Jennifer Junio, 14-anyos lamang ang biktimang Grade 8 student, na taga-Bgy. Baras-Baras, Tarlac City.

Batay sa report, sakay ang dalagita sa jeep na minamaneho ni Sean Granil, 25, may asawa, ng Bgy. San Juan De Mata, Tarlac City, nang ihinto ang sasakyan, lapitan ang biktima at tinakot na hahalayin kapag pumalag sa kanyang pangmomolestiya. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog