I Can Do That challengers Cristine Reyes, Arci Munoz, Sue Ramirez, and Pokwang copy

GAGAWIN nina Cristine Reyes, Arci Muñoz, Sue Ramirez, at Pokwang ang lahat para aliwin ang mga manonood sa pinakabagong talent-variety program na I Can Do That na malapit nang mapanood sa ABS-CBN.

Sila ang unang celebrity challengers na maglalaban-laban at matapang na gagawin ang iba’t ibang unique talents na hindi pa nila kailanman nagagawa, na may isang linggong paghahanda lamang. Sa huli, isa lang sa walong celebrity entertainers ang tatanghaling Greatest Entertainer.

Sino kaya ang apat na lalaking celebrities na kasama sa programa? Anu-anong challenges kaya ang kanilang gagawin?

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Ang I Can Do That ay nilikha ng Armoza Formats ng Israel at nagkaroon na ng bersiyon sa 20 bansa sa buong mundo, kabilang na ang US na ang singer na si Nicole Scherzinger ang itinanghal na unang Greatest Entertainer.

Abangan ang pagbubukas ng I Can Do That sa ABS-CBN.