AURA PAQUITO COCO AT LIGAYA copy

MALAKAS talaga ang FPJ’s Ang Probinsyano. Ilang araw pa lang napapanood ang mga bagong karakter na sina Ligaya, Dang at Paquito na mga kaibigan nina MakMak at Onyok sa probinsiya pero sikat na kaagad.

Kuwento sa amin ng involved sa taping ng Ang Probinsyano sa isang palengke:

“Parang mall show sa palengke ang dating, grabe karaming tao, hindi kami makapag-taping nang diretso, putul-putol kasi kasasaway sa tao,” kuwento sa amin.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Huwag na raw naming babanggitin kung saang palengke ang taping dahil baka lalo pang dumugin ng tao. Hindi naman ito ipinagdadamot, kaso hindi na nga raw sila makapag-taping nang diretso.

Lalong magwawagi sa young televiewers ang programa ni Coco Martin dahil nakadiskubre na naman siya ng mga bagets na may talento sa pag-arte at puwede ring sumunod sa mga yapak nina Awra at Onyok.

Inaabangan talaga ng mga bata ang FPJ’s Ang Probinsyano dahil binibigyan ng importansiya sa kuwento ng programa ang henerasyon nila. Kapag puro bata ang napapanood sa serye ay General Patronage ang rating na inilalagay, at kapag ‘yung mga kontrabida na ang umeere at may barilan at naroon si Sam Pinto alyas Sexy ay biglang magpapalit ng PG o Parental Guidance o kaya SPG o Strong Parental Guidance.

Hayun, huling-huli siyempre ang kiliti ng televiewers. (Reggee Bonoan)