Alden Richards and Maine Mendoza (2) copy copy

NANIWALA ba kayo sa destiny o na destined for each other nga ba sina Alden Richards at Maine Mendoza?

Naniniwala ang AlDub Nation na pinagtagpo talaga ng tadhana ang phenomenal love team. Nagsimula ang lahat noong 2010 nang unang magkasama sina Alden at Maine sa isang magazine event. Nagsisimula pa lamang sa showbiz si Alden noon at fan naman ng cuties si Maine. Hindi nila alam ang kani-kaniyang pangalan pero nagpa-picture si Maine kay Alden.

Kuwento na rin ni Maine, marami siyang kuhang photo sa ibang cuties na pawang malinaw, kung bakit naman iyong shot pa nila ni Alden ang blurred.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

After five years, nagkita at nagkakilala sila sa Eat Bulaga noong July 16, 2015, and the rest, sabi nga, is history.

Kaya buo ang paniniwala ng AlDub Nation na destined na para sa isa’t isa at may pinaniniwalaan din namang forever sina Alden at Maine.

May isang psychic naman na naniniwalang bago pa man isinilang sina Maine at Alden ay nakatakda na sila para sa isa’t isa. Nag-post si ML DestinedToBeYours from Missouri, USA na isa raw siyang prayer warrior for Maichard’s (Maine & Richard) happy union until eternity, ng question and answer sa isang pasyente niyang lady psychic. Ipinakita raw niya ang picture nina Alden at Maine at tinanong kung kilala nito ang dalawa, hindi raw, at ito ang sagot sa kanya:

Psychic: They are so in love with each other that’s why they got married.

ML: Are you sure they are already married?

Psychic: They’ve been married long before they’re even born. Their relationship will last a lifetime.

ML: Sino ang mas in love?

Psychic: The husband loves her too much that she is his life.

ML: How sure are you?

Psychic: My angel told me his name is Richard.

Ang tunay na pangalan ni Alden Richards ay Richard Faulkerson, Jr. At totoo namang bawat isa raw sa atin ay may nag-aalagang guardian angel.

Hindi namin sinasabing maniwala kayo sa nai-share ni ML DestinedToBeYours, pero marami ang nagsasabing bago pa man tayo isilang sa mundong ito ay naiatakda na ng Diyos kung sino tayo at kung ano ang magiging papel natin sa mundong ito.

Pero alam siyempre natin na nakatakdang magkrus ang landas nina Benjie (Alden) at Sinag (Maine) sa Destined To Be Yours, ang unang teleserye ng nina Maine at Alden sa GMA 7 na idinidirihe ni Irene Villamor, at premiere airing na sa Lunes, February 27, pagkatapos ng Encantadia. (Nora Calderon)