Naglabas si Department of Justice (DoJ) Secretary Vitaliano Aguirre II ng immigration lookout bulletin order laban sa mga suspek ng ‘rent-tangay’ scheme na nambiktima ng mahigit 100 may-ari ng sasakyan.

Sa kanyang memorandum, inutusan ni Aguirre ang Bureau of Immigration (BI) na isama sa lookout bulletin order sina Ana Pamplona Borton, Lea Constantino Rosales at Rafaela Anunciacion, habang iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kaso.

Inatasan ni Aguirre si BI Commissioner Jaime Morente na ialerto ang lahat ng immigration officers sa mga paliparan at pantalan sa buong bansa.

Nauna nang naglabas ang lookout bulletin order laban sa isa pang kasamahan ng grupo na si Tychicus Historillo Nambio.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

(Beth Camia)